Pag-ibig at Panunumbalik: Kwento ng Lakas sa Kabila ng Tukso By Princess

Hi. I’m princess. Lumaki ako sa Kristiyanong pamilya. Bata pa lang ako laman na ko ng simbahan. Kasali din ako sa praise and worship team. 11 years old ako nang simula akong nagpagamit sa gawain ni Lord. When I was 17 I met a guy. Wala sa plano ko ang makipagrelasyon dahil pinangako ko sa sarili ko na magboboyfriend ako after ko makagraduate ng college. But this guy really bothers me. Nakakaloka kasi ayaw nya kong tigilan hanggang sa napalapit na yung loob ko sa kanya. Hindi sya mahirap mahalin kasi sobrang bait nya. Willing syang gawin lahat para sakin bonus pa yung talent at itsura nya. Kaya ayun, dumating sa punto na ayaw ko na syang mawala sa akin kasi parang sya na talaga yung nilaan ni Lord para sa’kin.

April 23, 2015 nung sinagot ko sya. Syempre bilang isang kristiano, gusto ko din ishare sa kanya yung kaligtasan na alam ko. Kaya dinala ko sya sa church. Nagsimba sya. Sobrang active nya sa church. Actually, sya ang president ng youths sa church namin ngayon kasi sobrang galing nyang makisama at may puso sa kapwa. To make the story short, pareho na kaming Christian ngayon. Alam naman natin na lahat ng kristiyano ay may kinakaharap na pagsubok. Mabigat yung pagsubok na dumating sa amin. Hindi kami naging matatag sa temptation. Nagpadala kami sa tawag ng laman. Hindi lang isang beses namin ginawa. Kaya kapag nadedelay ako, natatakot ako. Natatakot akong magbunga yung kasalanan namin. Natatakot ako kasi alam kong kasiraan yun sa paglikingkod at alam ko rin na hindi yun nagbibigay ng kaluguran sa pangalan ni Lord. Nagpepray ako lagi, hinihiling na sana hindi magbunga yung ginawa namin. Parating tinutupad ni Lord yung prayer ko kaya nagdecide kami ng bf ko na itigil na namin. Nakaahiya na kasi sa Diyos. Okay nama sa boyfriend ko kasi ayaw nya na rin talaga.

Tumigil na kami na gawin ang hindi namin dapat gawin bilang anak ng Diyos. Okay na kami. Okay na yung paglilingkod namin kay Lord. Kaso bumalik ulit. Inulit namin. Hindi lang isang beses. Kada may pagkakataon, tinitake namin yung chances. Hanggang hindi na ko makatulog sa gabi. Nagpepray na talaga ko kay Lord na tulungan kaming maging matatag. Ilayo kami sa tukso kasi nasanay na kami na sa ganong sistema. So, Isang araw, sumakit yung private part ko. Binibiro ako ng bf ko na baka kulang lang daw sa ano. Kaya sabi ko gawin na namin para mawala yung sakit. Habang ginagawa namin nasakit din daw yung kanya pero tinuloy pa rin namin. Akala namin mawawal yung sakit pero habang tumatagal, lalong sumasakit. Kaya tumigil na kami. Sabi ko sa kanya, “ito na yung hinihingi natin kay Lord. Tinutulungan nya tayong tumigil. Ito na yung paraan ni Lord para tumigil na tayo.” Dahil nga sumasakit yung private part namin pag nag*** kami. Di na namin ginagawa. Tinigil na talaga namin dahil nakakahiya na kay Lord.

Si Lord on time tumugon. Inaantay nya lang na humingi kami ng tulong sa kanya. Wala kaming kayang gawin kung wala ang kapangyarihan ni Lord sa buhay namin dahil si Lord ang nagbibigay kalakasan sa’min spiritually. Naging mahina man kami, pinatatag naman kami ni Lord sa paraan na alam nya. Salamat sa Lord kasi hindi nya hinayaan na magbunga yung kasalanan namin at sobrang pinagsisihan na namin yung nagawa namin. Nagdecide kami na gamitin nalang kay Lord yung oras namin. Nakanta ako to praise and worship the Lord at si love naman ay naglelead sa mga youths ng church namin. Sobra yung pagmamahal na ipinaramdam sa amin ng Diyos. Salamat nalang kasi kay Lord may second chance at hindi hinayaan ng Diyos na malihis kami ng landas. Grabe talaga ang pag-ibig ng Diyos, sobrang nakakataba ng puso pag naiisip kong may Diyos na handa akong tanggapin ulit despite of all my sins. I give back all the praises and glory to the Lord.

This is my first time to testify about this sensitive topic. Actually, nahirapan kaming iover come kasi nga habitual sin, pero we tried. Prayer lang. Lagi naming pinagpepray na ilayo kami ni Lord sa temptation. Kaya nga ayun gumawa si Lord ng paraan para tumigil kami. We believe na galing talaga kay Lord yun at tinupad nya yung prayer namin. Oo. Nagppraise and worship pa rin kami. Active pa rin kami sa church. Pero ambigat sa pakiramdam kasi alam mo sa sarili mong hindi ka karapatdapat sa harapan ng Diyos kasi madumi ka. Parang nakulong na kami sa ganong sistema, pero ang nakakatuwa e hindi kami pinabayaan ng Diyos. Pinalaya nya kami sa pagkakakulong namin at tinanggap nya pa rin kami despite of what we have done. Alam kong open arms nya kaming tinanggap kasi nung maramdaman ko yung ginawa ni Lord na paraan para tumigil na kami, iyak ako ng iyak nun sa kanya. Sinuko ko ulit ang buhay ko sa Diyos at sinabi ko na yung buhay ko e ilalaan ko sa paglilingkod. Hindi ako binigo ng Diyos nung mga panahong kailangan ko sya at gusto kong malaman at maramdaman din ng iba o ng may pinagdadaanan na katulad nito na kung pano gumalaw ang Diyos sa buhay ko ay mangyayari din sa kanila kung magtitiwala sila

PS. Balak din namin maging missionary kung yun talaga ang kalooban ng Diyos

Anong Kwentong KristiyanoTayo mo? Anong Kwentong KristiyanoTayo Mo? is a collection of stories from the FaithLife Community, previously known as Kristiyano Tayo. It’s a space where you can share your faith journey and encounters with God. Your stories inspire others and help build connections. If you want to share your story, click the button below!
Disclaimer: The testimonies shared in “Anong Kwentong KristiyanoTayo Mo?” are personal stories from individuals within the FaithLife Community and may not reflect the official beliefs or teachings of FaithLife OS. While these stories aim to inspire and build connections, please understand that personal faith journeys are unique. For any questions or further clarification, feel free to contact us.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *