Sayaw para sa Diyos by Maureene
Isa lang akong estudyante ng Sta. Isabel Montessori, normal lang ang buhay ko, merong dance troupe duon and hindi ako nagdalawang isip na mag-audition but Christian na ko noon pero hindi pa siguro ako matured that time. Natanggap ako sa audition,
then I suddenly realize na hindi ko malulugod ang Panginoon kung uunahin ko ang makamundong gawain kaysa sa kanya. To make the testimony short, nagquit ako sa IDT, at doon ko naranasan ang tunay na buhay ng pagiging isang kristiyano, sobrang daming pagsubok ang naranasan ko pero hindi ako bumitaw dahil alam kong may Lord ako sa puso. Sobrang sarap sa pakiramdam kasi kahit na makasalan ako mahal pa rin ako ng Panginoon. From darkness to light.
Ngayon, yung talent ko sa pagsasayaw ipinagamit ko sa Panginoon. Bonus na lang yung pagiging talented ko dahil isa akong Worshipper and proud ako dahil na sa’kin ang Panginoon. So ayon, before I end, ini-encourage ko ang bawat isa na magpagamit tayo sa Panginoon dahil sa kanya lang natin mararanasan ang tunay na happiness. God is everything. Wag tayong magdoubt, naghihintay ang reward natin sa langit. Wag natin sayangin ang pagkakataon.
Always read your bible and meditate His words. God bless us all. John 3:16 Matthew 6:33