Bible, Notebook at Ballpen by Wenzel

Wala akong magandang maise-share sa inyo,
pero gusto kong i-share yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko..
Dati, naiinis ako sa mama ko kasi halos buong maghapon nakakulong lang siya sa kwarto, laging may hawak na Bible, notebook at ballpen. Lagi ko siyang nakikita na nakapikit, at nagdadasal. Araw-araw ganun siya mula nung nakakilala siya sa Panginoon..

So one time year 2009, nagkaroon ng Bible Study sa kapitbahay namin, sinama ako ni mama kasi ininvite kami nung pastor sa kabilang church. Una parang naiinitan ako at di mapakali, gusto kong umuwi kasi parang nakakahiya na makita ako ng ibang tao na nandun. Pero parang may pumipigil saken, yung isip ko, gusto ko na umalis, pero yung katawan ko, di ko magalaw. Nagiisip pa ako ng pwede idahilan, sabihin ko kaya na naiihi ako para makauwi ako?! ? Pero di nangyari.. Hanggang sa nagstart na yung Bible study. Naaalala ko ang topic nun is about Jesus Christ and Salvation.

May alam naman ako sa Bible, kasi nagbabasa naman ako dati nun kahit paano, kaya pag nagtatanong si Pastor Ading nun, nasasagot ko ng tama. Pero di ko alam kung ano ba ang kahulugan ng mga nakasaad sa Bible. Inaantok pa nga ako nun habang nagsasalita si Pastor ?✌. Hanggang sa natapos na yung Bible Study. Pero wait, there’s more! Akala ko tapos na, di pa pala.. Nilapitan ako ng pastor, tinanong niya kung nakatanggap na daw ba ako. Nakatanggap? Ano yun!? Tinanong ako kung gusto ko daw ba tumanggap, so ako, oo lang ako ng oo para matapos na at makauwi ako.

Eto na, pinapikit ako, pinray over nila ako at pinatanggap si Jesus Christ bilang tagapagligtas at Panginoon ko.. Habang nakapikit iniisip ko baka sapian ako o ano. Pero yung ginawa kong pagtanggap, bukal sa loob ko at talagang na feel ko na totoo sa puso ko. So eto na, My gosh!! Parang may pumasok na kuryente sa ulo ko at kumalat sa buong katawan ko hanggang paa. Nilalamig ako na parang may nakabalot saken na basang kumot. Ewan ko pero yun ang pakiramdam ko nun, hanggang sa naiyak ako. Nakakatakot, but the best feeling ever!! Mas masarap pa sa pakiramdam nung unang nainlove ako..? And yes! That was the first time na nainloved ako kay Jesus.

After nung araw na yun, sumasama na ako sa mama ko magchurch every sunday sa ALFC, kasama ang mga anak at asawa ko hanggang sa nagpa-water baptized kami under Ptr. Julio Flores sa Laguna. Pinakamasaya at pinaka the best na naranasan ng family namin na sama-sama kami sa pagtanggap kay Lord. Isa na lang ang panalangin namin, at alam ko na may plan si God para sa papa ko. And i already claimed it!

“NAKAKABUO PALA NG PAGKATAO YUNG PAGTANGGAP SA PANGINOONG HESUS.”

Nararanasan man namin yung sinasabing dapat danasin ng mga Christiano, madali na lang naoovercome kasi kay Lord kami humuhugot ng lakas at sa kanya kami nakakakuha ng tulong. Binago ng pagtanggap ko, yung buong pagkatao ko. Nung una siguro di pa ganun kadali yung proseso, dumating yung time na sinubok ako. Tumigil ako sa pananambahan, nawala pero eto muling nagbalik at tinanggap. And now, im proud to say that God had totally changed me into something new. God renewed me. At ito ang gusto kong ipamana sa mga anak ko. Ang mamuhay na may pananampalataya sa Panginoong Hesus. At syempre nagpapasalamat din ako sa buhay ng mga tao na ginamit ng Panginoon para makilala namin Siya ng pamilya ko.

Yung dating kinaiinisan ko sa mama ko, eto, ginagawa ko na rin. ? May time nga tayo para sa walang kabuluhang bagay, para sa Lord pa kaya?! Ang sarap kaya sa pakiramdam pag binibigyan natin ng time yung sarili natin na makausap Siya one on one at maramdaman yung presence ng Panginoon. Kasi di lang naman talaga simpleng pagbabasa lang ng Bible ang ginagawa, inaaral at pinamumuhay dapat. Mas maiintindihan natin ang kahulugan ng mga Salita, sa gabay ng Espiritu Santo na pinagkakaloob sa atin ng Panginoon. Sana ikaw rin, maramdaman mo yung pakiramdam na nararanasan ko sa pagtanggap ko kay Jesus bilang Panginoon at tagapagligtas ko. Idadalangin ko sa Panginoon na kalabitin ka at mabuksan ang puso mo, para makapasok si Jesus.

Alam ko busy ka. Pero mas pagpapalain ka ni Lord kung uunahin mo Siya bago ang ibang bagay..
Sabi nga sa Matthew 6:33, But seek ye first the kingdom of God, and his righteousness; and all these things shall be added unto you.. ??

Anong Kwentong KristiyanoTayo mo? Anong Kwentong KristiyanoTayo Mo? is a collection of stories from the FaithLife Community, previously known as Kristiyano Tayo. It’s a space where you can share your faith journey and encounters with God. Your stories inspire others and help build connections. If you want to share your story, click the button below!
Disclaimer: The testimonies shared in “Anong Kwentong KristiyanoTayo Mo?” are personal stories from individuals within the FaithLife Community and may not reflect the official beliefs or teachings of FaithLife OS. While these stories aim to inspire and build connections, please understand that personal faith journeys are unique. For any questions or further clarification, feel free to contact us.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *