First Love Never Dies by Flora
Hello, I’m madam bertud not my real name, and I’m already 18 years old. Nakilala ko si LORD when I am 16 years old. Gumamit siya ng isang tao para makilala ko siya ng lubusan at mapalapit pa lalo sakanya. I just wanna confess my very very very very deeper love to GOD.
When I first attend in their church, tawa lang kami ng tawa ng barkada ko naweweirdohan ako sakanila. Dahil hindi ko alam ang ginagawa nila. Coz FYI my friends describe me as a badgirl, sarcastic, childish, war freak, bully and all the negative attitude. One day I’d realize I need to be serious and matured… Kaso para saakin mahirap gawin dahil sa sitwasyon ko, puro puot, galit at mga negatibong bagay lang ang nasa puso ko noon.
But! when I hear the words of GOD WOW! AS IN WOW! KAHIT OUCH naranasan ko yung presensiya niya na wala ako noon. Dahil akala ko kapag naglasing ako, naglibot ako nakipag away ako magiging masaya na ko. Mali pala maling mali pala, kaya nagagawa ko ang mga bagay na iyon noon dahil wala akong LORD sa buhay ko. SIYA pala ang kulang na matagal konang hinahanap.
Noong una kong naranasan ang presensiya niya sakanya ko naramdaman ang tunay na pagmamahal Sakanya ko naranasan ang tunay na kaligayahan. SAKANYA AKO NA INLOVE NG TODO TODONG TODO! even my friends and my family are against to my decision… but Im always praying that in GOD’S TIME I will be with them praising and serving to the LORD with all our heart.
Hindi ako nawawalan ng pag-asa dahil alam kong kasama ko ang DIYOS NA BUHAY AT TUNAY Yung tipong inlove na inlove ka sakanya nag iinit yung spiritual mo dahil nananabik ka lagi sa LORD. Dasal ka ng dasal, basa ka ng basa ng bible, yung pakiramdam na gusto mo araw araw sunday Dahil aminin man natin o hindi masarap sa presensiya at piling ng panginoon. Kaso sa pagmamahal makakaranas ka rin pala ng panlalamig kung may mga oras na nag iinit ka sakanya, may mga oras din pala na manlalamig ka sakanya gawa ng mga pagsubok.
Nagka boyfriend ako that time… akala ko kalooban na ng DIYOS ang sinunod ko nanahan pala ako sa sarili kong desisyon. Masakit at mali ang nagawa ko, hanggang sa matanggal na ko sa ministry. Nanlamig na ko kay LORD, dahil nawalan na ako ng pag asa sakanya Hindi ko naisip na nilalapitan ko nalang siya kapag may kailangan ako which is mali Nanatili ako sa comfort zone ko, mas inuna kopa ang pagmamahal ko sa boyfriend ko kesa sa PANGINOON na gumabay saakin sa kabila ng mga pagsubok. Nanlamig ako sa LORD… hindi kona nagagawa yung mga bagay na gusto kong gawin dahil ang oras ko ay limitado lamang. Hanggang sa napagdesisyonan kong I break up yung boyfriend ko. I break up with him because I choose GOD, I choose my ministry.
Hindi ako tumigil na nagdasal at nag surrender sakanya. Dahil alam kong tutulungan niya ako because he promise that he will never leave me and he will never forsake us. Hanggang sa nanaig ang PAG-IBIG NG DIYOS sa buhay ko… naniniwala ako na mas makapangyarihan talaga ang Panginoon kesa sa gawa ng kaaway. From now patuloy akong nagpapagamit at naglilingkod sa panginoon
PS: Ano man ang iyong ginagawa, gawin mo iyon na para bang sa panginoon ka naglilingkod hindi sa tao, dahil kung hindi ka root full hindi ka magiging fruitful at madali kalang madedefeat ng kaaway. So no matter what happens, magpakatatag lang po tayo Hindi ka nagkamali ng desisyon mo kapatid. Magpatuloy ka lang sakanya. GOD IS WITH US, GOD IS LOVE GODBLESS