Pinaka-hot na issue ngayon sa mga kabataan, ‘lovelife’ by Rica Ann

Pinaka-hot na issue ngayon sa mga kabataan, kahit na ang mga kabataang Christian ay ‘lovelife’. Parang normal nalang ang magkaroon ng partner, love team, crush, at MU o malabong usapan. Walang commitment pero sobra pa sa mag-ON kung kumilos. May pa babe-babe, baby-baby at marami pang call sign ang nalalaman. Itago man natin o sa hindi, maraming kabataan ang sumasabak sa pre-marital sex. Kung hindi naman, eh yung pakiss-kiss lang muna sa cheeks, minsan ay sa leeg, hanggang sa unti-unting umaabot na saan-saan. Yan ba ang anak ng Panginoon? Sana naman, bilang mga so called Christians ay malaman natin ang priorities nating mga kabataan.

Una ay ang pagfofocus natin ng ating atensyon at oras sa Panginoon. Give yourself a time to discover what is really the plan God has for you. Spend your single years with the Lord. Kasi Pag nagkaroon ka na ng pamilya balang araw, magiging mahirap na Ito para sayo.

Pangalawa, have this time for your family and friends. Aba, love life ng love life, kinikilig sa tuwing ka-chat si crush, nakalimutan na ang PRAYER SQUAD, nakalimutan na ang mga kaibigang pinagsasabihan ng problema at hinanakit noon. Baka nakalimutan nating, tumatanda din ang ating mga magulang. Spend time with your parents. Pray with them. Talk with your friends. Hindi yung puro cellphone ang inaatupag at kung kasama ang barkada ay si boyfriend o girlfriend ang inaalala.

At pangatlo, tandaan ikaw ay isang estudyante. Hindi ka ba nahihiya na Ikaw ay pinag-aaral at ang perang ginagasta mo sa pangdi-date ay pinaghirapan ng iyong magulang? Aral-aral muna bago ang pakikipagrelasyon. There is a time for everything. Hindi pa buo ang iyong puso upang umibig ng taong hindi din buo ang puso. God is still working in your life and in your heart. Huwag pangunahan ang oras upang hindi madisgrasya. Trust God’s timing.

Find God. Find yourself. The right one will just come at the right time ??

Anong Kwentong KristiyanoTayo mo? Anong Kwentong KristiyanoTayo Mo? is a collection of stories from the FaithLife Community, previously known as Kristiyano Tayo. It’s a space where you can share your faith journey and encounters with God. Your stories inspire others and help build connections. If you want to share your story, click the button below!
Disclaimer: The testimonies shared in “Anong Kwentong KristiyanoTayo Mo?” are personal stories from individuals within the FaithLife Community and may not reflect the official beliefs or teachings of FaithLife OS. While these stories aim to inspire and build connections, please understand that personal faith journeys are unique. For any questions or further clarification, feel free to contact us.