Mula Dilim, Ngayon Liwanag: Aking Kwento ng Pagbabago By Joshua

My real name is Joshua Herrera 18, graduate sa BNHS at ngayon Nag aaral uli sa PSU BC from Bayambang, Pangasinan din lang ako nakatira.

Dati ang gulo gulo ng buhay ko. Sorbrang gulo ng Pamilya ko. ako dati yung taong napakaraming kasalanan katulad ng makikipag away, sumasagot sa magulang, mayabang, bully, mabisyo, at marami pang iba.

Isa na dito ang pakikipag relasyon sa kapwa lalake. Oo nung hindi ko pa na encounter si God nakakalungkot sabihin na ako dati yung malanding bisexual/gay nabuhay ako sa kasalanan, kahalayaan, at bisyo.
Sobrang hiyang hiya ako sa mga kasalanan na ito binalak ko ng magpakamatay, maglaslas, halos lahat ng kasamaan nagawa ko na.

Pero sobrang nagbago ang lahat nung nakilala at na encounter ko ang PANGINOON.
Grabe yung pagbabago nya sa buhay ko pinaramdam nya yung malawak na pagmamahal nya saaken.
Nung una natakot, nahihiya,naguguluhan pa ako, hanggang sa ito na bigla nalang tumulo luha ko biglang napaluhod at kinausap ko sya si GOD nagpa-linis, huminge ng tawad nag-sisi at kinalimutan lahat ng masalimoot na nakaraan.

Ibinigay ko yung PUSO, SARILI ,BUHAY ko sakanya at sinabing simula ngayon ikaw na ang makakasama at nagmamay ari sa buhay ko nag pagamit sa gawaen ni Lord hanggang sa dumating yung araw na mahal ko na yung ginagawa ko mahal ko na ang Panginoon.

Isenurrender ko lahat sakanya lahat ng kasamaan, kasalanan sobrang humagolgol ako sa iyak nung pinaramdam nya sa-aken yung Pagmamahal na matagal ko ng hinahanap-hanap grabe.

Grabe yung pagbabago ni GOD sa buhay ko. ngayon patuloy akong nag lilingkod sa gawaen ng Panginoon. isa ako sa ginagamit ni Lord na Leader ng church namin. Naranasan ng maging Praise&Worship leader, at hindi lang yun INNER HEALING dahil nagsisi at pinagkatiwala kona sa PANGINOON lahat lahat ng kasalanan, kasamaan at maging ang buhay ko sabi ko kay God.

Lord I offer my life to you, and Lord I give you my Heart.

Pagkatapos nung Encounter nayun sobrang nagbago lahat alam ko sa sarili ko na pagpasok ko sa Church na iyon pusong babae ako, Pero nagulat nalang ako at hindi ko maipaliwanag lahat bakit nung paglabas ko sa Church na yun after 3days naging matigas, matapang yung Pusong meron ako.

Sobrang iniyak ko at sobrang pasasalamat sa Panginoon. Ngayon patuloy akong Lumalaban sa gawain ni LORD. Nag sha-share ng WORD OF GOD nag babasa ng LOVE LETTER ni GOD.

Sobrang nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil isa ako sa napili nyang maging ambassador at ikalat ang ebanghelyo nya.

Sabi nga nila ano man yung kasalanan na ginawa natin handa parin tayong patawarin ng Panginoon at kasing laki man ng barko ang ating mga kasalanan kasing lawak naman ng karagatan ang pagmamahal at kapatawaran ng Dios saatin kase mahal na mahal nya tayo.

Pagagalingin nya yung mga pusong sugatan at palalayain sa kadiliman.

Ganun magmahal si Lord kaya ito ngayon ang buhay ko nung dating Pusong babae at kilos babae, ngayon tigasin at matapang na nag se-serve sa gawain ni Lord nung dating adik sa kasalanan ngayon adik sa Praise & Worship at sa gawain ng Panginoon naging adik sa pagbabasa ng Banal Bibliya.

Mahal na mahal ako ng Panginoon at mahal na mahal ka rin nya. Ngayon magpatuloy lang tayo sa Laban kasama ang mahal nating Panginoon. Amen

Anong Kwentong KristiyanoTayo mo? Anong Kwentong KristiyanoTayo Mo? is a collection of stories from the FaithLife Community, previously known as Kristiyano Tayo. It’s a space where you can share your faith journey and encounters with God. Your stories inspire others and help build connections. If you want to share your story, click the button below!
Disclaimer: The testimonies shared in “Anong Kwentong KristiyanoTayo Mo?” are personal stories from individuals within the FaithLife Community and may not reflect the official beliefs or teachings of FaithLife OS. While these stories aim to inspire and build connections, please understand that personal faith journeys are unique. For any questions or further clarification, feel free to contact us.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *