Minsan akong naligaw

Nung panahon na wala ako sa presensya ng Panginoon, ang tindi… Ang tindi at sirang-sira ang buhay ko. Pero sabi nga, marami ang tinawag ngunit iilan lamang ang napili.

Hindi aksidente ang pagpasok ko sa unibersidad. Hindi aksidente na mag-BS Mathematics ako kahit di ako ganon kagaling sa math. Hindi aksidente ang lahat dahil doon, doon ko nakilala si Cristo. Doon ko sya hinayaang pumasok at kumilos sa buhay ko. Doon ako nagkaron ng direksyon. Nag encounter ako sa church namin na Johanan Full Gospel Church, doon mas namulat ang mga mata ko sa ginawa ng Panginoon para satin. Doon ko mas inibig ang Panginoon.

Tunay nga na kapag ang Panginoon ang nagplano sobrang solid. At ngayon, sobrang nagpapasalamat ako sa Panginoon sa pagkilos sa buhay ko.

Minsan akong naligaw sa landas ngunit sobrang galing ng Panginoon. Inayos nya ang buhay ko. Tunay nga na kahit gaano pa ka-gulo at kasira ang buhay mo, kayang-kaya Nya ‘tong ayusin sa isang iglap.

To God be all the Glory.

Anong Kwentong KristiyanoTayo mo?

Anong Kwentong KristiyanoTayo Mo? is a collection of life testimonies shared by the FaithLife Community, formerly known as Kristiyano Tayo. It’s a platform where individuals unfold their faith journeys and share their encounters with God, spreading inspiration and fostering connection within the digital realm.

Share your KristiyanoTayo testimony

Similar Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *