Para sa Kristiyanong Nagmamadali, Napapagal, at Hindi Makuntento sa Pagmamahal ng Diyos by Will

Para sa Kristiyanong naghahanap ng pagmamahal ng iba, Kristiyanong nagmamadali at dimapakali at dimakuntento sa pagmamahal na meron ang Dios..

Umibig ako sa taong ni akala ko masusuklian nito ang pag mamahal ko. Buong tiwala, oras, panahon na dapat sa Dios ay nawala ng Dahil sa taong iyon. Dumating din yung araw na hindi nakakapagpanalagin ng hina ako pero pinagpatuloy ko.
Sa tigas ng puso ko, nakulong ako sa pagmamahal ko sa taong iyon. Kulang nalang mamatay ako sa pagka-uhaw sa pagmamahal nya.

Nag kita kami buong araw mag kasama kami pero bakit para bang ako’y nag iisa hindi ko maramdaman ung tinatawag ng pagmamahal sa kanya, Yung feeling na kayong dalawa ang mag kasama pero parang mag isa ka lng. Napaisip ako kahit na dati kahit ako lng mag isa alam kong kasama ko ang Dios.

Napagod ako masakit pero kakayanin kong mawala itong pagka-uhaw ko sa pagmamahal sa taong iyon!
Gusto ko nang itigil itong tinatawag nilang pag-ibig. Ngunit para bang ako’y nakakulong at nakagapos sa gitna ng madilim na mundong ito. Isang mundong madilim na may kulungan ng mga naghahanap pa ng pagmamahal ng iba kulungan ng Uhaw sa pagmamahal.

Gusto ko ng makawala pero para bang namamanhid ang buo kong katawan sa sakit sa kirot. Gusto kona makawala sa kulungang ito ngunit may nakagapos sa aking kamay at paa. hindi lng pala sa aking kamay at paa pati rin sa aking leeg na para bang may nakataling kadena sa aking leeg na pilit na sumasakit at sumisikip kapag hindi nasusunod ang utos nito. Na gaya nang asong nakatali na hawak nang kanyang Amo na kahit saan mong dalhin ay susunod ito.

Gusto ko nang makawala nahihirapan ako sa kalagayan na ito gusto ko nang makawala ohhhh Panginoon tulungan mo ako sa kalagayan kong ito. Patawad dahil ipinag palit kita mas inuna ko pa sya kesa Sayo. Patawarin mo ako dahil mas pinili ko pang ma-uhaw sa pagmamahal nang iba na dapat Sayo. Nag padala ako sa masama. Oo mahina ako mahina ang pananampalataya ko pero alam ko Panginoon ikaw lng ang makakapag palakas nito. Oo, Nag kamali ako Alam kona mali na sa simula palang pero itoy pinag patuloy ko.Saan ba papatungo to. Naligaw ako sa madilim na na mundong ito. Buong tiwala kosa Panginoon Hesus ay nag laho na para bang magnanakaw na mabilis nakuha ang tiwalang meron ako sa Dios.

Ngayon alam ko na sayo ko lang matatagpuan at ikaw lang makakapag bigay puno ng aking pag ka-uhaw at hindi sa iba Ikaw lang ang Umiibig na walang-hanggan. nag-sisi ako sa kasalan sa nagawa kung yon pinatawad ng Dios ang nagawa kong kasalan nayon at muli Niya akong tinanggap at niyakap sa kanyang pagmamahal.maraming salamat sa pagkawala sa kulungan at sa mga nakataling kadena sa aking kamay at paa ay tinangal mo. Ako ay naging malaya, ako’y muli mong ini-ahon sa aking pagkadapa sa aking pag kalubog sa problemang ito, sa pag subok na ito.

Ikaw lang ang aking Daan Panginoon Hesus . tulungan mo po kong mag tiwala mag hintay at manalig sayo sa aking pag isa alam kong andyan ka sa tabi ko. Ikaw lng ang makakapagbigay ng totoong pagmamahal. Panginoon lang ang makakapag bigay ng mamahalin natin at Siya ang mag aalala ng ibibigay niya sa atin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *